in

80-year-old na si Lolo Narding, dinumog ng tulong matapos maakusahang nagnakaw ng manga!

Viral ngayon ang 80-year-old na matandang lalaki sa social media. Ito ay dahil, inakusahan at nagdemanda ang may ari ng manga na siya umanong pinagnakawan ni Lolo Narding. Ito ngayon ang usap-usapan ng mga netizens lalo na’t mas pumanig sila kay Lolo.

Mangiyak-ngiyak si Lolo Narding, isang 80-year-old normal citizen sa Asingan, Pangasinan. Muntikan na siyang makulong dahil umano sa pagnakaw niya ng humigit kumulang 10 kilo ng manga sa kapit bahay.

Ito raw umano si Robert Hong, truck driver at caretaker ng lupa na katabi ng property ni Lolo. Apat na beses raw umanong nagharap sa barangay ngunit tinuluyan parin ang matanda sa polisya para ipakulong.

Ngunit no’ng nagviral ang kaso ni Lolo Narding, sunod-sunod ang nag-abot ng tulong. Mula sa mga awtoridad at concern citizens.

“Kagabi tumawag sa amin isa sa mga judge at nakikoordinate na tayo sa chief of clerk na to fast track his bail, his temporary liberty,” Police Major Napoleon M. Eleccion. January 20, 2022 ay ang post bail ni Tatay Narding na nagkakahalaga ng P6,000.00.

Dagdag pa niya, “Namitas lang po ng mangga dahil ang kinaclaim ni tatay yung kabataan niya, siya ang nagtanim. So itong may ari naman ng lupa, kinaclaim niya yung lupa sa kanya, pati na rin yung mangga, which is si tatay naman tinitignan niya mula pagkabata. ’Di naman totally nagnakaw si tatay, namitas lang.”

Sa ngayon ay na sa Police Custody parin si Tatay Narding. Dahil sa Alert level 3 ay hindi pa napirmahan ang kaniyang papel.

Narito ang buong video:

Ayon kay Ogie Diaz, kaya daw pinag aagawan si Seth Fedelin ay ”Daks.” daw ito?

500K na susutento sana ni Gretchen Baretto, kay Claudine intinigil nito?