in

Aicelle Santos tuwang tuwa ng tawagin siyang mama ng kanyang 7mos. old baby sa kauna-unahang pagkakataon

 

Hindi mapagsidlan ang tuwa ng Kapuso singer na si Aicelle Santos.

Ito ay ng marinig niya for the first time na nabigkas ng kanyang 7mos. old baby ang salitang “mama.”

 

 

Bawat ina ay lubos na natutuwa pag narinig na nila ang unang salitang mamumutawi ng kanilang mga baby.

 

 

Lalo na kung ang unang mababanggit nito ay “mama” tila napakagandang musika ito sa pandinig ng bawat nanay.

 

 

At ito ng ang proud na proud na ibinahagi ng Kapuso singer na si Aicelle Santos.

Halos matunaw umano ang puso ni Aicelle ng marinig niyang tawagin siyang mama ng kanyang baby Zandrine.

 

 

Ibinahagi ng Kapuso Soul Diva ang video ng kanyang baby sa pamamagitan ng kanyang Instagram post.

 

 

“SHE CALLED ME MAMA,” panimula ni Aicelle sa kanyang caption.

“Coming home from work yesterday, ito ang bumungad sa akin. *Heart Melted*,” dagdag pa niya.

 

 

Ito daw umano ang napakagandang salubong sa kanya ni Baby Zandrine paguwi niya galing ng trabaho.

 

 

“Hindi ko alam kung nagsusumbong o pinagagalitan ako, na “kung bakit ngayon lang ako umuwi.” She’s said “Ama-ma” sometime before when asking for milk. I think it’s clearer now that “Mama” meant me, or milk pa rin?šŸ˜… Haaay, napakasarap umuwi anak ko. We love you!”

 

Kamakailan lang nang ipinagdiwang ng mag-asawang Aicelle at broadcast journalist Mark Zambrano ang ika-7th month ni Baby Zandrine.

 

 

Nitong February, ibinahagi rin ni Aicelle sa kanyang Instagram post na emosyonal pa rin siya sa tuwing hawak-hawak ang anak.

 

Chynna Ortaleza natupad na ang pangarap, ipinasilip ang bagong bahay ng pamilya nila ni Kean Cipriano

Yam Concepcion engaged na sa kanyang non-showbiz boyfriend, ibinahagi ang kanilang simpleng date sa ibang bansa