in

Alexa Ilacad hinangaan dahil sa ibinahagi niyang mga larawan na resulta ng kanyang intense workout

Ipinasilip ng young Kapamilya actress na si Alexa Ilacad ang kanyang bikini photos na nagpa-wow sa netizens.

Pinasilip ng 21-anyos na aktres ang kanyang sexy na pangangatawan sa isang IG post nakaraang Lunes.

Saad ni Alexa sa kanyang caption, “Work on you, for you.  It took me all my courage to post this but self-love is a lifetime journey and even though learning how to love myself and the body I’ve been blessed with is an everyday battle, I’m still proud of my progress”

Makikita sa kanyang larawan na nakasuot siya ng green two piece bikini. Nakakamangha din ang ganda ng hubog ng katawan ng dalaga.

Ayon kay Alexa, tinapangan niya ang sarili para ma-post ang naturang larawan.

Self-love umano ang dinedevelop ng aktres sa kanyang sarili at proud naman daw siya na unti-unti niyang nagugustuhan ang ganda at katawan na mayroon siya.

Resulta din kasi ito ng kanyang mga intense workout na palagi niya ding ibinabahagi sa kanyang IG posts.

Makikita sa kanyang mga ibinabahaging larawan na nasa gym siya at puspusan talaga ang workout routine niya.

May Yoga class ding dinadaluhan ang batang aktres para ma-maintain ang kanyang  happy hormones.

Pati ang pag bend ng kanyang katawan ay puspusan din ang pagpa-practice ni Alexa.

Ibinahagi din niya sa kanyang vlog kung ano ang mga training na ineensayo niya ngayon.

Isang guro sa Bulacan napagkamalang isa ding estudyante dahil sa kanyang itsura

Rico Blanco may nakakakilig na birthday message para sa nobyang si Maris Racal