in

Alice Dixson masayang ipinagdiwang ang kanyang 52nd birthday kasama ang kanyang anak

Ibinahagi ni Alice Dixson ang kanyang kasiyahan na kasama na niya ang kanyang anak sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Sa kanyang Instagram post noong July 28, inilarawan ni Alice na dream come true ang pagkakaroon ng anak.

Kalakip ng litrato niya noong 48th birthday celebration niya saad ni Alice,

“Looking back at this photo and now having my dream come true; every morning when I wake up smiling back at me makes me teary-eyed thinking about the journey. How hopeful every year I was.”

“This year, she is finally here to celebrate with me and every year after.”

Inilarawan niya pa na ito ang kanyang best birthday ever, “My life has just begun, 52 – my best birthday yet”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Noong April nitong taon lang ibinahagi ni Alice na siya ay isa na ngayong ina.

Sa kaniyang Instagram account, in-upload ng aktres ang video ng paglapag ng eroplanong sinasakyan pa-Maynila habang karga ang anak na si Baby A.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Sa kasunod na post, ipinasilip ng bagong ina na si Alice ang hotel kung saan sila magka-quarantine, alinsunod sa safety protocol para sa mga dumarating sa bansa galing abroad.

Ayon sa kaniya, pinili nitong kumpletuhin ang quarantine period malapit sa doktor ng bagong silang na anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Sa kaniya ring social media account, ibinahagi ni Dixson ang magandang balita na tinawag niyang “munting himala”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Kuwento pa niya, sa nakalipas na 10 taon, lagi niyang hinihiling sa kaniyang kaarawan na mabiyayaan siya ng anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alice Dixson (@alicedixson)

Maja Salvador may sweet birthday message para sa kanyang kasintahan na si Rambo Nunez

Twinning OOTD nina Assunta De Rossi at kanyang baby Fiore kinagigiliwan ngayon sa social media