in

Aljur Abrenica dinepensahan si Robin Padilla, sinabing naniniwala siya sa kakayahan nito

Pinapurihan ni Aljur Abrenica ang kanyang estranged father-in-law na si Robin Padilla sa pangunguna nito sa senatorial race.

Sa press conference ng kaniyang palabas na “The Revelation,” masaya si Aljur na si Robin ang nangunguna sa pagka-senador na tumakbo nitong May 9 elections. Aniya likas na matulungin daw ang kanyang byenan.

“He deserves to be number one talaga, para sa akin. Kaya I’m so, so happy for him,” saad ni Aljur.

Naniniwala rin daw siya sa kakayahan ni Robin na magiging mabuti itong senador. Dahil sa dami na din nitong natulungan kahit hindi nakapwesto sa gobyerno.

“Alam nating lahat ‘yan, ang dami niyang natulungan. Kahit ‘yung mga stuntman, tinulungan niya. Doon ako humahanga sa kanya, e. He has the ability, kumbaga, kung kailangang ilagay ang isang tao sa isang posisyon para maging isang lider, siya talaga.”

Dinepensahan din ni Aljur si Binoe sa mga bumabatikos at kinukwestiyon ang kakayahan ng action star para maging isang senador.

“Ako kasi, naniniwala ako kay Papa, e. Naniniwala ako sa kanya. Ang dami niyang pinagdaanan. Lalo na ‘yung mga bumabagsak siya. Hindi naman siya laging sikat, e. Hindi siya laging nasa top, di ba?”

Dagdag pa ni Aljur, sa mga pagbagsak at muling pagbangon ni Robin masusukat ang kakayahan nito na maging isang lider.

Samantala, kahit hiwalay na nga sila ni Kylie ay “Papa” pa rin ang tawag ni Aljur sa ama ng kanyang estranged wife.

May ilang netizen ang negative ang reaksyon sa pagbibigay-diin ni Aljur sa salitang “Papa” patungkol kay Robin.

Lutang moments ni Joshua Garcia sa pagiging hurado sa It’s Showtime viral ngayon online!

Sikat na beauty salon, balak nang alisin si Andrea Brillantes bilang celebrity client