in

Andrea Brillantes, sinugod umano si Francine Diaz sa dressing room ayon sa source ni Ogie Diaz!

Hindi matapos-tapos ang chismis kina Andrea, Francine dahil kay Seth. Malinaw sa social media na sila ang usap-usapan ngayon dahil sa mga hindi pagkakaunawaan. Dahil nga sa sitwasyon, iba’t-ibang issue nanaman ang nasilabasan. Sinugod raw ni Andrea si Francine sa dressing room?

Tuloy parin ang mga marites sa pakiki-update kina Andrea at Francine. Hindi parin masyadong humuhupa ang kanilang mga pangalan sa social media.

Dahil nga sa mga galaw nila sa social media ay mas lalong naging usapin ang mga dalaga. Kaniya-kaniyang palabas ng komento ang mga fans. Galing sa iba’t-ibang sources ang lumalabas na mga chismis tungkol sa dalawang ito.

Ang pinakaheadline ngayon ay ang pagsugod raw ni Andrea kay Francine sa dressing room. At iyon ay dahil umano sa pagpapicture nina Francine at Seth.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andrea Brillantes (@blythe)

Pinag-usapan ito nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh sa isa nilang vlog.

Nangyari umano ang hindi pagkakaunawaan ng dalawa noong December 18, 2021 sa Christmas Special ng ABS-CBN.

Ayon kay Ogie, “Kasi nga si Kyle at Francine yung ine-establish. Eh ngayon ang nakarating sa amin, hiniritan ng glam team nitong si Francine si Seth na jumoin sa kanila sa picture taking. Tapos ayun nga, eh parang ikinagalit ito ni Blythe, ni Andrea. Kaya totoo ba ito? Nagkaroon ng suguran sa dressing room?”

“Pero syempre diba, pag kaibigan mo naman yung tao? Kahit di mo ka-love team,” opinyon ni Ogie.

Ngunit paglilinaw ni Ogie, “Nakarating lamang po ito sa atin ano? Pwede po kaong di maniwala, ito po ay nakarating lamang so kayo na pong bahala mag-confirm”

Ogie Diaz, sinubukang payuhan si Kris Aquino na subukan ang mag pa albularyo.

Janella Salvador, sinubukang mag pa-lipo na makikita sa shinare na video ni Dr. Vicki Belo.