in

Ara Mina nakatanggap ng sweet message mula sa kanyang bestfriend na si Sunshine Cruz

Isang sweet message ang ibinahagi ni Sunshine Cruz para sa pagbati niya sa bagong kasal na si Ara Mina.

Noong  June 30, 2021 (Miyerkules) ikinasal ang aktres na si Ara Mina sa kanyang fiancé na si Dave Almarinez.

Ginanap ang wedding ceremony sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel ng 3 p.m.

June 28 pa lang ay umakyat na ng Baguio sina Ara at Dave para sa rehearsal ng kanilang wedding at para asikasuhin na rin ang iba pang detalye nito.

Ito ay dinaluhan ng pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa. Si Almarinez ay ang undersecretary ng Philippine International Trading Corporation o PITC.

Star-studded din ang naging kasal ni Ara at Dave. Ito ay dinaluhan nina Sunshine Cruz, Diego Loyzaga, Barbie Imperial, Jan Marini, Melissa Ricks, Jenny Miller, Jessa Zaragosa at Miss Grand International 2020 first runner-up Samantha Bernardo na parte ng kaniyang entourage.

 


Samantala, sa kanyang Instagram, nagpost si Sunshine Cruz ng isang sweet message para sa kanyang BFF.

Ayon kay Sunshine, mayasa raw siya para kay Ara na natagpuan na nito ang taong para sa kanya.
“Im so happy for you Sis Hazel. Finally you’ve found the person you’ll grow old with. Everything definitely happens in God’s time. Macky and I are always here for the both of you. ❤️”
Sa huli ay kinongratulate niya ang bagong kasal.

“Congratulations Mr. And Mrs. Dave Almarinez! “

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

Si Sunshine ay isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Ara sa industriya. Ito din ang longtime girlfriend ng kanyang half brother na si Macky Mathay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)

 

For the first time, Roxanne Barcelo ipinakita na ang buong mukha ng kanyang baby sa pagdiriwang ng 1st month nito

Maja Salvador at Anne Curtis nagbigay ng kanilang suporta sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7