in

Ate Gay humingi ng paumanhin kay Vice Ganda matapos mabash sa donasyong Php20K

Humingi ng paumanhin si Ate Gay sa komedyanteng si Vice Ganda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gil (@ategay08)

Ito ay matapos makatanggap ng maraming negatibong komento si Vice dahil sa naging donasyon niya nang magkasakit si Ate Gay.

Nitong nakaraang araw kasi, nag post sa kanyang facebook account and komedyante at inisa isa ang mga taong nagpaabot sa kanya ng tulong pinansyal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gil (@ategay08)

Kasama sa naging listahan ang It’s Showtime host na si Vice na nag bigay ng Php 20,000.

Ngunit imbes na maging maganda ang dulot nito ay naging kabaliktaran ang nangyari. Kinuwestiyon kasi ng maraming netizens ang halaga na binigay ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Gil (@ategay08)

Para sa kanila, maliit daw ang dalawampung libo na kusang loob na ipinaabot ni Meme Vice kay Ate Gay. Naglabas naman ng sama ng loob ang noontime host matapos ang nangyari.

Ayon kay Vice, sobra daw siyang nasaktan sa mga naging komento dahil kusang loob daw skiyang nag bigay pero nakuwestiyion pa.

Sa naging buwelta naman ni Ate Gay, nadala lang daw siya sa mga komento na nabasa niya. Humingi din siya ng depensa kay Vice Ganda.

“Masyado lang ako nasaktan sa basher… sana mapatawad nyo ako…” aniya.

Cristy Fermin pinasaringan na naman si Jinkee Pacquiao, hindi daw pwedeng ihambing kay Kristine Hermosa

Dating child wonder na si Lester Llansang ibinahagi ang napakalaking tulong na ibinigay ni Angel Locsin sa kanyang pamilya