in

Bagong Tiktok video ni Zeinab Harake patama nga ba sa dating partner na si Skusta Clee?

Mukhang sapul na naman si Skusta Clee sa latest Tiktok video ni Zeinab Harake.

Magmula nang maghiwalay muli sina Zeinab at Skusta Clee ay tila palitan sila ng pasaring sa isa’t-isa.

Bilang mga internet personality ay idinadaan din nila sa social media ang kani-kanilang mga hinaing. Syempre involve din dito ang mga fans nila.

Nakatikim nga ng cancel culture si Skusta mula sa milyon milyong fans ni Zeinab. Naganap ito sa mga performance niya sa event na kanyang dinaluhan.

Matapos naman nito, isang kanta naman ang inilabas ni Skusta Clee. Na may title na ‘Gaga’ na hinuha ng marami ay patama daw ang lyrics para kay Zeinab.

Kaya naman muling nakatanggap ng negatibong reaksyon mula sa mga netizens ang OPM rapper.

Samantala, isang Tiktok video ni Zeinab ang usap-usapan ngayon sa social media. Ibinahagi ito ng kanyang manager na si Jhay Isidro.

Sa nasabing video, dina-dub ni Zeinab ang isang kanta na may lyrics tungkol sa taong nagsabi noon sa kanya na hindi niya ito kayang mawala.

Na hindi niya kayang mag-isa, pero ngayon ang taong nagsabi nun ay mag-isa na lang.

Maraming nagsabi na bagay na bagay nga daw ang mga lyrics na patama para kay Skusta.

Saktong sakto daw kasi ang mga linya sa nangyari ngayon sa mang-aawit at kay Zeinab. Gayunpaman, marami din ang nakapansin ng kagandahan ngayon ng sikat na vlogger.

Mas blooming daw siya ngayong nawala na ang sakit ng ulo niya.

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales usap-usapan ang pag u-unfollowan sa Instagram!

Tom Rodriguez, may mga pagkakataon daw na nagbalak kitilin ang buhay, dahilan kung bakit sinukuan ni Carla Abellana ayon kay Ogie Diaz