in

Chad Kinis gigil kay Skusta Clee, ipinalala sa netizens ang ginawa nito kay Zeinab Harake

Ngayong tapos na nga ang eleksyon, muling ipinaalala ni Chad Kinis. Na balikan nang muli ang panl0l0kong ginawa ni Skusta Clee kay Zeinab Harake.

Isa si Chad Kinis sa mga malalapit na kaibigan ni Zeinab Harake. Kaya isa din siya sa mga nasaktan sa pinagdaraanan ngayon ng sikat na vlogger.

Matatandaan na nitong nakaraang araw lamang ay nag-viral ang interview ni Zeinab. Sa programa ni Toni Gonzaga na Toni Talks.

Kung saan ibinunyag niya na siya nga ngayon ay single mom na. At ibinahagi niya ang dahilan ng hiwalayan nila ni Skusta Clee.

Sukang-suka na umano si Zeinab sa paulit ulit na panl0l0kong ginagawa sa kanya ng dating partner at ama ng kanyang mga anak.

Ilang araw namang natabunan ang isyu na iyon nang dahil sa eleksyon, at ngayong tapos na nga ang halalan.

Muling ipinaalala ni Chad sa mga netizen na balikan ng muli ang kal0kohan na ginawa ni Skusta Clee.

Sa kanyang TikTok video na umabot ng 2.5 million views, ay hindi naitago ni Chad ang kanyang gigil kay Skusta Clee.

“Okay tapos na ang halalan, balik tayo sa kabalbalan ni Skusta Clee,” saad ni Chad sa nasabing video. Sa huli ay napamura pa nga ang komedyante na halatang halata ang galit.

Marami naman ang sumang-ayon sa pahayag ni Chad at dapat lamang daw na gisahing muli si Skusta Clee.

Kilalanin ang bunsong anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice Bektas na pinag-uusapan ngayon ang kagandahan

Professor Clarita Carlos hinamon si Frankie Pangilinan na sumulat ng 5K words essay dahil sa pahayag nito