in

Chynna Ortaleza natupad na ang pangarap, ipinasilip ang bagong bahay ng pamilya nila ni Kean Cipriano

Lumipat na ng bagong bahay ang mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano.

Kasama ang kanilang dalawang babies na sina Stellar at Salem.

Sa kanyang latest Instagram post, ibinahagi ni Chynna na natupad na ang kanyang pinapangarap.

At ito nga ay ang magkaroon ng bahay na mayroong malawak na bakuran.

Aniya,I remember wishing for a house with a yard.. with plenty of prayers we found a place that checks our tiny home dreams.”

Pinasalamatan din ni Chynna ang mga tumulong sa kanila upang mahanap ang perfect house para sa kanilang pamilya.

“Thank you so much to everyone who constructed & provided us with this beautiful space.. You guys are amazing! Thank you for taking such good care of us and granting our wishes.”

Masayang masaya din si Chynna dahil nakakapaglaro at naarawan na ngayon ang dalawang anak nila ni Kean.

“Ang saya saya kasi nakalaro ang mga bata.. naarawan.. pinawisan! Amoy pawis sila!”

Saad pa nga ng aktres, natupad na din ang pangarap niyang minimalist home. Sa huli sinabi ni Chynna na isang kawali lamang ang kailangan niya.

“God help me with our quest for minimalism!  Note: Chynna isa lang ang kailangan mo na kawali!  Keep it simple!”

Kalakip din ng post ni Chynna ay isang video kung saan nililinis at sina-sanitized ng isa cleaning service ang kanilang bagong bahay.

Marami naman sa kaibigan ni Chynna ang natuwa dahil sa bagong blessings na kanyang natanggap.

Noong Marso ay ibinahagi ni Chynna na nakahanap na sila ni Kean ng tahimik na lugar para sa kanilang pamilya.

Jennica Garcia pina-wow ang mga netizens sa kanyang mga moves sa TikTok

Aicelle Santos tuwang tuwa ng tawagin siyang mama ng kanyang 7mos. old baby sa kauna-unahang pagkakataon