in ,

Couple Maris Racal at Rico Blanco, pinagusapan ang kanilang mga “firsts”, Maris aminadong natakot ibunyag ang relasyon nila noon

Maraming nagulat nang ihayag ni Maris Racal ang May-December love affair ito sa OPM singer na si Rico Blanco.

Sa paghahayag nila ng kanilang romantic relationship, marami ang natuwa at nainggit sa 24-year-old singer/actress. Dahil sa tila baby ang turing sa kanya ng kanyang nobyo na 49-years-old.

Ngunit sa kabila ng mga pinapakita nilang relationship goal, hindi parin maiiwasan na may mga taong nagtataas ng kilay dito.

Sa latest Youtube vlog ni Maris, isa ulit relationship goal ang mapapanood. Sa title nitong, “One Hapon with Rico Blanco”, pinasilip nila ang kanilang quick date.

Naging topic nila dito ang kanilang mga “firsts.”

Napagusapan nila ang kanilang first date.

Ayon kay Maris, nung naging sila ni Rico, hirap sila lumabas at mag date dahil ayaw nilang makita sila ng mga tao.

Kwento pa ni Maris, takot raw siyang baka hindi sila maintindihan ng mga tao.

Dahil dito, nangyari ang una raw nilang date sa Las Vegas, USA. Kung saan hindi sila msyadong mapapansin ng mga tao.

Unplanned naman daw ang nasabing first date dahil biglaan lang at doon lang sila nagkaroon ng time together.

Very casual lang ang naging kwentuhan ng couple, habang nakaupo sa park at kumakain ng inihaw.

Nagpatuloy ang kanilang kwentuhan maging ang firsts song na nasulat ni Rico para kay Maris.

Kitang kita sa video nila kung gaano kagaan ang loob nila sa isa’t isa sa kabila ng malaking agwat sa kanilang edad.

 

Dennis Padilla aminadong lubos na nasaktan nang hindi batiin ng mga anak noong Father’s Day

Heart Evangelista sinupalpal ang netizen na tinawag siyang “gold digger”