in

Cristy Fermin muling nag-komento sa mga mamahaling kagamitan ni Jinkee Pacquiao

Nagbigay na naman ng kanyang reaksyon si Cristy Fermin patungkol sa mga mamahaling gamit ni Jinkee Pacquiao.

Mula pa noong nakaraang taon, si Jinkee na ang laging nasisilip ng betranang showbiz columnist. Pinag-iinitan ni Cristy ang mga branded items na laging sinusuot at ginagamit ng misis ng Pambansang Kamao.

At sa latest episode nga ng kanyang online show na Showbiz Now Na! Isa si Jinkee sa muling naging topic nila Cristy at kanyang mga co-host.

Pero this time ay kampi na siya kay Jinkee dahil aniya, tapos na daw kasi ang eleksyon.

Saad ni Cristy, “Kaya lang natin tinutuligsa noon si Jinkee ay dahil malapit na ang eleksyon at ang kanyang asawa ay tatakbo sa pinakamataas na posisyon, na hindi naman dapat talaga. Pero ngayon na alam naman natin kung ano ang naganap sa kapalaran ni Pambansang Kamao, malaya na po nilang gagawin ito at isa itong patunay na hindi naubos ang kanilang pera sa eleksyon.”

Pinuri din ni Cristy si Jinkee dahil mukhang sinunod daw nito ang mga payo niya noon. Na maging simple lang sa araw ng kampanya.

“Nakapantalon at t-shirt lang siya noon pagka umiikot si Sen. Pacquiao, sumunod naman siya sa nararapat. Oo ngayon tapos na ang eleksyon, oo nga at hindi pa rin magandang tignan at pakinggan dahil, buhay na buhay pa rin ang pandemya, napakarami pa rin po nating kababayan na talagang naghihirap. Pero siguro po, hindi naman natin isisisi kay Jinkee at sa kanyang mga kagamitan ang paghihirap ng bawat Pilipino.”

Sinabi din nito na pinagtrabahuhan naman daw ni Manny Pacquiao ang perang pinangbibili ni Jinkee ng kanyang mga gamit.

“Pinaghirapan naman ng asawa niya ‘yan, halos mapingasan na nga po ng mukha ang asawa, bugbog ang katawan. Doon naman nanggaling ang ipinambili niya. So, go go go, walang problema.”

Graduation photo ni Jason Abalos kinagigiliwan ngayon ng mga netizens sa social media

Karla Estrada usap-usapan ngayon matapos maglabas ng isang cryptic post sa Instagram!