in

Cristy Fermin nagbigay reaksyon sa diumano’y pagbubuntis ni Julia Montes

Usap-usapan na naman ngayon ang diumano’y pagbubuntis ng Kapamilya actress na si Julia Montes.

Kamakailan nga lamang ay naging hot topic sa social media ang newest photo ni Julia. Ibinahagi niya ang nasabing larawan sa kanyang Instagram.

Ang naturang post ay tungkol sa brand ng shampoo na ine-endorse ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08)

Agad ngang dinagsa ng mga Marites ang larawan ni Julia. Napansin kasi nila na tila takip na takip daw ang tiyan ng aktres sa naturang larawan.

Bukod pa dito. ipinatataka rin ng marami kung bakit biglang naglaho ang karakter nito sa teleserye na “Ang Probinsyano.”

Kaya naman ito ang muling naging topic ni Cristy Fermin at kanyang mga co-host sa online talk show nilang Showbiz Now Na!

Ayon kay Cristy ay may nasagap daw siyang balita ukol dito. Noong nakaraang linggo pa daw kasi niya narinig ang bulong-bulungan na buntis nga daw si Julia.

Aniya, hindi naman na bago ang isyung ito kina Coco at Julia dahil noong 2019 rin ay kumalat ang balitang buntis ito na hindi rin naman inamin noon.

Nabanggit din ni Cristy na nagalit daw diumano sa kanya noon ang dalawa dahil sa naging detalyadong pagsusulat niya ukol sa balitang buntis si Julia sa panganay nila ng rumored boyfriend na si Coco.

Kaya naman sa kumakalat na haka-haka ng mga netizens ngayon, opinyon ni Cristy, “Aminin na ang dapat aminin, mahirap maging sorry sa darating na araw… Ang punto po atin, aminin kapag totoo. I-deny kung walang katotohanan”

Geli de Belen proud na proud sa anak na si Julio matapos nitong gumraduate sa isang unibersidad sa Canada!