in

Cristy Fermin nagbigay reaksyon sa naging transformation ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol

Literal na napatulala diumano si Cristy Fermin sa itsura ngayon ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol.

Sa latest episode ng programa ng batikang kolumnista, ipinahayag ni Cristy ang kanyang reaksyon. Sa transformation ng itsura ni Herlene ngayon kalahok ito sa Binibining Pilipinas.

Aniya talagang pinaghandaan daw ng dalaga ang pagsali nito sa nasabing prestigious pageant. “Hindi ko nakilala, pinaghandaan talaga niya ang pagsali sa isang beauty pageant,” saad ni Cristy.

Samantala, sinabi naman ni Cristy na nagpa-retoke muna si Herlene bago ito sumabak sa beauty pageant. At maganda naman daw talaga ang naging resulta.

“In fairness, ang ganda-ganda ng pagkagawa sa kanya, in fairness. Meron talagang binabagayan ang at hindi ang pagpapa-‘salamat po doktor’.”

Ikinumpara pa niya si Herlene sa singer actress na si Pops Fernandez. Paglalahad ni Cristy, “Pero si Herlene, kita mo oh, naging kamukha na ni Pops Fernandez diyan.”

Ayon pa nga kay Cristy dapat lamang daw na paghandaan talaga ni Herlene ang pagsali nito sa Binibining Pilipinas. Dahil hindi naman daw basta basta lang ang nilhukan nitong event.

“Oh, ‘di ba, salamat po doktor talaga. Pinaghandaan ito at dapat lamang naman po, hindi po dapat natin siya sisihin dahil isang malawakan pong paligsahan ang kanyang sasalihan. Dapat lamang po talaga na paghandaan niya ito,” dagdag pa ng entertainment columnist.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang pahayag tungkol kay Hipon Girl:

Kristine Hermosa wala pang balak bumalik sa pag-arte, focus muna sa pag-aalaga ng kanyang pamilya

Angeline Quinto binahagi online ang matagumpay niyang panganganak.