in

Dahil sa kanyang political views, Janno Gibbs nawalan umano ng mahigit 4K followers sa IG

Matapos ang halalan, halos apat na libong followers diumano ang nawala sa singer actor na si Janno Gibbs.

Talamak ngayong eleksyong 2022 ang pag-a-unfriend sa pagitan ng mga magkakapamilya’t magkakaibigan. Habang tumitindi ang mga debateng pulitikal, hindi din nakaligtas ang ilang celebrities na nag-endorso ng kani-kanilang kandidato.

At isa na nga dito ay ang komedyanteng si Janno Gibbs. Aniya nawalan daw siya ng four thousand followers dahil sa kanyang political views.

“Simula kagabi, 4k followers na ang nawala sa akin. Dahil sa mga personal kong pananaw sa politika,” ani Janno sa kanyang IG post.

Pero ayon sa aktor ay wala umano siyang pinagsisisihan “Yes! Four thousand [followers] in one night. Masyado kasi matapang ang mga post ko about my political views.”

“It’s sad but I don’t regret my posts. They are written in good taste and I will never compromise my sentiments over approval, especially for our country,” ani pa ni Janno sa isang panayam.

Sunod-sunod din ang pagbabahagi ni Janno ng kanyang saloobin dahil hindi pinalad ang kanyang manok na manalo.

Nakaraang buwan lang nang ilabas ni Janno ang isang viral Youtube video kung saan isinisiwalat niya ang ilang isyu tungkol sa isang presidential candidate na “peke ang diploma, hindi humaharap sa debate”  atbp. — ito habang umaarte na animo’y siya ang nabanggit.

Kylie Verzosa naimbyerna! Iniwasan ang mga tanong ng reporters tungkol sa kanila ni Jake Cuenca

Xander Ford lubos ang kasiyahan ng makatanggap ng sampung libo bilang regalo mula kay Xian Gaza