in

Dating child wonder na si Lester Llansang ibinahagi ang napakalaking tulong na ibinigay ni Angel Locsin sa kanyang pamilya

Dumagdag si Lester Llansang sa listahan ng napakarami ng natulungan ng aktres na si Angel Locsin.

Mas lalong hinangaan ng marami si Angel Locsin dahil sa ibinahagi ni Lester. Sa panayam ng aktor kay Ogie Diaz ibinahagi nito ang malaking tulong na ibingay sa kanya ng tinaguriang “Real-Life Darna.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)

Paglalahad ni Lester, si Angel umano ang tumulong sa kanya noong mga panahong gipit siya sa panggastos. Ito ay nang manganak ang kanyang misis.

Napag-usapan kasi kung sino ang mga artistang hinahangaan ni Lester pagdating sa pakikipag kapwa tao at magaling umarte.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by llansang_lester (@llansang_lester)

Sagot naman ni Lester ay si ‘GeLocs’ na siya pa lang tawag niya sa kaibigang si Angel Locsin.

‘Bakit ano ginawa ni Angel,’ tanong ni Ogie.

“Kasi ‘yung time na tumutugtog ako sa bar niya rati sa may Don Antonio (heights), lalabas ‘yung anak ko, manganganak ‘yung misis ko. Tapos wala akong budget, nakaipit ‘yung budget, si Angel ‘yung sumagot ng buong bayarin [ko] sa hospital tapos ninang pa siya ng anak ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin)

Tanong namang muli ni Ogie na ng magkatrabaho na ba ang aktor ay siningil daw ba siya ni Angel sa mga nagastos nito.

Ngunit ayon kay Lester ay hindi daw ganun ang ugali ng aktres. “Hindi siya ganun, hindi ganun si Angel, nakakatuwa siya,” pagbabahagi pa ni Lester.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by llansang_lester (@llansang_lester)

Kaya naman laking pasasalamat daw niya sa kaibigan sa kabutihan nito. Hindi lang sa kanya kundi sa pagiging bukas palad nito sa mga nangangailangan.

Ate Gay humingi ng paumanhin kay Vice Ganda matapos mabash sa donasyong Php20K

Neri Miranda may pasilip sa malapit ng magbukas na bagong restaurant nila ni Chito Miranda sa Tagaytay