in

Dennis Padilla aminadong lubos na nasaktan nang hindi batiin ng mga anak noong Father’s Day

Halatang nasaktan ang komedyanteng si Dennis Padilla nang hindi makatanggap ng pagbati mula sa mga anak noong father’s day.

Hindi naman kaila sa publiko ang relasyon ni Dennis sa kanyang mga anak sa dating misis na si Marjorie Barretto.

Magmula nang magkahiwalay sila ni Marjorie ay tila nakalimutan na din siya ng tatlong anak. Na sina Julia, Claudia at Leon.

At pati espesyal na araw sana para sa mga ama ay wala man lang natanggap na pagbati si Dennis mula sa mga anak.

Nitong nakaraang Father’s Day kasi ay parang ordinaryong araw lamang para sa komedyante. Mababatid sa mga post niya sa Instagram na siya ay nasaktan sa pangbabalewala ng mga anak.

Unang ibinahagi ni Dennis ang larawan ng kanyang mga dalaga na sina Julia at Claudia. Sa kanyang caption saad ni Dennis, “Miss you both… You forgot to greet me last sunday… Hehe!! Love you… God bless you more”

Kasunod naman nito ay ang larawan nila ni Leon, sa caption ay halos ganoon din ang sinabi ng aktor. Na ipinaalala niyang nakalimutan daw siyang batiin ng anak noong Father’s day.

“Leon… You forgot to greet me last sunday… hehe… Love you ingat..”

Napansin naman ng mga netizens na kahit may kalakip na tawa ang captin ni Dennis ay halatang halata na nasasaktan ito. Na wari ay nakalimutan na siya ng kanyang mga anak.

Whamos Cruz ipinagtanggol ng nobyang si Antonette Gail laban sa kanyang mga b4shers

Couple Maris Racal at Rico Blanco, pinagusapan ang kanilang mga “firsts”, Maris aminadong natakot ibunyag ang relasyon nila noon