in

Dennis Padilla, naluha sa video ng mga anak ni Ruffa Gutierrez habang nagpapaalam sa kanilang ama

Naging emosyonal ang komedyanteng si Dennis Padilla sa video na ibinahagi ni Ruffa Gutierrez.

Bilang isang ama, tila ramdam ni Dennis ang lungkot na mawalay sa mga anak. Naka-relate kasi siya sa video na ipinost ni Ruffa sa Instagram.

Sa naturang video makikita ang dalawang anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice habang nagpa-paalam sa kanilang ama na si Yilmaz Bektas.

12 days kasing magkakasama ang mag-aama, ito ang muli nilang pagkikita matapos ang halos labing limang taon.

Nang ihatid ni Yilmaz sina Lorin at Venice sa airport ay mapapansin na naging emosyonal ang tatlo. Yakap yakap ni Yilmaz ang dalawang anak at panay halik niya sa mga ulo ng mga ito.

Mahigpit na yakap din ang ginanti ng mga dalaga sa kanilang ama. Ayon nga sa caption ni Ruffa na ang bakasyon na iyon ay paniguradong hinding hindi makakalimutan ng kanyang mga anak.

Samantala, sa comment section naman ng post ni Ruffa, isa si Dennis sa nagbigay ng kanyang reaksyon.

Ani ng komedyante ay naiyak daw siya sa video ng mag-aama. Saad ni Dennis, “Grabe… Ruffa this video made me cry”

May mga netizens naman na nag-reply kay Dennis at sinabing magdasal lamang siya. At baka sakaling makasama niya at mabigyan din siya ng oras ng kanyang mga anak.

Matatandaan na naglabas din ng hinaing si Dennis patungkol sa hindi pagbati sa kanya ng mga anak niya kay Marjorie Barretto noong Father’s Day.

Marami ang naki-simpatya kay Dennis pero dedma lamang sina Julia, Claudia at Leon sa hinaing ng kanilang ama.

Isang ginang biglang sinapian diumano habang nasa kalagitnaan ng panayam ni Julius Babao at Tintin Babao!

Ilang buwan matapos manganak, Angeline Quinto ibinahagi ang dahilan kung bakit sumabak agad sa trabaho