in

For the first time, Roxanne Barcelo ipinakita na ang buong mukha ng kanyang baby sa pagdiriwang ng 1st month nito

Sa unang pagkakataon, ipinasilip na ni Roxanne Barcelo kung gaano ka-cute si Baby Cinco.

Nito lang nakaraang April ibinalita ni Roxanne na nagdadalang-tao siya sa kanyang first baby sa pamamagitan ng kanyang YouTube vlog.

Inisa-isa pa niya rito ang ginagawa niyang paghahanda para masigurong healthy niyang maipapanganak ang sanggol. Bukod dito, ibinahagi rin niya sa kanyang followers ang mga natutunang pregnancy exercises.

May 22 naman ng ipinanganak ni Roxanne ang kanyang first baby.

Sa kaniyang social media account ay agad na ibinahagi ng aktres sa mga netizens ang ilang larawan nilang mag-ina na kuha habang sila ay nasa hospital. Masayang-masaya si Roxanne dahil sa wakas ay nagkatotoo na ang pangarap niyang maging isang Ina.

At nakaraang linggo lamang ay ibinahagi na ni Roxanne ang kauna-unahang litrato ng kanyang Baby Cinco.

Ito’y bilang bahagi na rin ng pagse-celebrate nila para sa first month ng sanggol.

Ilang litrato ang ipinost ng aktres sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang iba’t ibang anggulo ng super cute na baby boy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)

“Our son at 1 month – 5 weeks. Swipe to the end to see how Papa Panda kept @dababycinco from crying,” ang maikling caption ni Roxanne.

Agad namang umani ng papuri ang napaka cute na baby ni Roxanne.

At may ilan din na mas nae-excite na ipakilala na din ni Roxanne ang kanyang mister.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“You are so precious baby… Speechless your are so beautiful”

“I so appreciate you for sharing your bundle of joy to the public.”

“Your baby is so cute. Thank you for sharing the pictures”

Kung matatandaan, ginulat ni Roxanne ang lahat nang mag-post ito ng wedding picture niya noong December 25, 2020.

Jennica Garcia nagsalita na ukol sa tunay na dahilan ng hiwalayan nila ng asawang si Alwyn Uytingco

Ara Mina nakatanggap ng sweet message mula sa kanyang bestfriend na si Sunshine Cruz