in

Gerald Anderson ipinasilip ang weekend getaways niya kasama ang buong pamilya ni Julia Barretto

Muli nanamang nagpakilig ang magkasintahan na sina Julia Barretto at Gerald Anderson.

Sa latest vlog ng aktor na si Gerald Anderson ay ipinasilip niya ang masayang bonding nila ng nobya kasama ang pamilya nito.

Naglayag ang magkasintahan sa karagatan ng Subic gamit ang isang malaking bangka.

“We’re going to be sailing the high seas of Subic Bay. The not-so-high seas. [The weather’s] not so good pero okay na rin kasi mahangin,” maririnig pang saad ni Gerald.

Kasama nila ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto, at ang kanyang dalawang kapatid.

Ilan din sa mga kaibigan ni Gerald ay kasama nila sa napakasayang weekend getaway nila.

Makikita naman sa video na tila napakasaya ng controversial couple habang ine-enjoy ang pamimigwit ng isda.

Napakarami ding pagkain ang nakahain na kanilang pinagsaluhan.

Nag stop over din sila sa tila maliit na isla upang ma-enjoy ang paglangoy sa dagat.

Makikita naman na tila close na close si Gerald sa bunsong kapatid ni Julia na si Erich.

Nakikipagkulitan siya dito at sumakay pa sila sa maliit na bangka.

Bago matapos ang vlog ay nagpa mini tour pa si Julia sa sinasakyan nilang bangka. Kung saan ibinahagi niya na ito rin ang gamit nila noong sailing trip nila last April.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakasama ni Gerald ang pamilya ng kanyang nobya.

Noong mga nakalipas na buwan ay ibinahagi ng kapatid ni Julia na si Dani Barretto ang family vacation nila.

At ito ay sa pagmamay-aring private resort ni Gerald sa Zambales.

Kung pagbabasehan ang suot nina Julia at Gerald sa larawan, posibleng kuha ito sa araw nang mag-selfie ang dalawa na naging viral sa kaarawan ng aktor.

Panoorin dito ang vlog ni Gerald:

 

Janella Salvador, may banta sa mga bumabatikos sa anak nila ni Markus Paterson na si Baby Jude

Jennica Garcia pina-wow ang mga netizens sa kanyang mga moves sa TikTok