in

Graduation photo ni Jason Abalos kinagigiliwan ngayon ng mga netizens sa social media

Pinagkakatuwaan ngayon ng marami ang graduation picture ng aktor at politician na din ngayon na si Jason Abalos.

Kamakailan lang ay nagbahagi si Jason ng throwback photo niya sa Instagram. Larawan niya ito noong nagtapos siya ng college.

Bagets na bagets ng itsura ng aktor sa naturang larawan, halatang halata na payat pa siya ng mga panahon na iyon.

Ani Jason sa caption, “Nababakas mo ba sa mukha ng batang to kung gaano kahirap ang mathematics?”

Maraming netizens naman ang nag-comment sa post ni Jason. May ilan na ka-batch mate niya din na inalala ang masasayang araw nila na kasama ang aktor.

Ngunit may ilan naman na ginawang katatawanan ang itsura noon ni Jason at nakipagkulitan din ang binata sa mga ito.

Narito ang ilan sa nakakatuwang komento:

“Unang tingin kala ko c Kendal Jenner nong college days nya”

“My pinagdadaanan po ba kayo sa mga panahon na to idol? gaano po kayo kadalas mg puyat nito at d kumain”

“wavy pa ang patilya mo dito idol ah”

“pala ganyan buhok mo paps @thejasonabalos medyo naging kulot kakakamot sa ulo yan pag math ang subject.”

Anong masasabi mo sa larawan ni Jason?

Ilang buwan matapos manganak, Angeline Quinto ibinahagi ang dahilan kung bakit sumabak agad sa trabaho

Cristy Fermin muling nag-komento sa mga mamahaling kagamitan ni Jinkee Pacquiao