in

Heart Evangelista sinupalpal ang netizen na tinawag siyang “gold digger”

Hindi pinalagpas ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang isang netizen na tumawag sa kanyang “gold digger”

Isang netizen na nagkukubli sa Twitter handle na @BasherNgBayan10 ang walang pasintabing bumatikos kay Heart. Kahit na wala namang ginagawa sa kanya ang sikat na fashion icon.

“Si @heart021485 is a gold digger is a fact,” saad ng naturang netizen at talagang itinag niya si Heart para mapansin siya nito.

With class naman itong sinagot ni Heart at sinabing kaya niyang mabuhay nang hindi umaasa sa ibang tao.

“I don’t need anyone to survive. I am a woman and a woman can be or do anything she wants if she wills it. Remember I said that” tugon ng aktres.

To the rescue naman sa comment section ang mga followers ni Heart at ipinagtanggol siya ng mga ito laban sa b4sher.

Narito ang ilan sa kanilang say:

“Baka goal digger. Heart never asked anything from any man but if she asks from his husband, thats because they are husband and wife not because she’s a gold digger”

“Either he’s a troll or his ego is so fragile he is thr3atened by women who live their lives the way they want. Patawa siya.”

Mungkahi naman ng isa pa, pakainin daw ang troll sa sikat na restaurant na pagmamay-ari ng pamilya ni Heart para tumalino.

Nauna ng iginiit ni Heart sa isang interview na galing umano ang mga bagay na meron siya ngayon. Sa pagtatrabaho niya sa entertainment industry sa loob ng 23 na taon.

Couple Maris Racal at Rico Blanco, pinagusapan ang kanilang mga “firsts”, Maris aminadong natakot ibunyag ang relasyon nila noon

Isang ginang biglang sinapian diumano habang nasa kalagitnaan ng panayam ni Julius Babao at Tintin Babao!