in

Ilang buwan matapos manganak, Angeline Quinto ibinahagi ang dahilan kung bakit sumabak agad sa trabaho

Mahigit isang buwan matapos manganak ni Angeline Quinto ay ratsada na agad ang singer actress sa trabaho.

Tatlong buwan na pamamahinga ang payo ng doktor kay Angeline. Para umano makasigurado na fully recovered na siya matapos niyang manganak.

Pero tila hindi na ito ininda ng mang-aawit dahil aniya, iba na ang kanyang priorities niya ngayong nanay na siya.

Aminado ang first-time celebrity mom na hindi madali ang pagiging ina pero sa kabila nito. Gustong-gusto niya ang mga ginagawa para sa pinakamamahal na anak na si Sylvio.

“Hindi ganoon kadali. Pero lahat ng ginagawa ko for my baby ngayon, talagang gustong-gusto ko at mahal na mahal kong gawin, lahat para sa kaniya,” saad ni Angge.

“Hanggang ngayon, kapag nakikita ko yung anak ko, hindi ako makapaniwala na may sarili na akong anak.

“Ang sarap sa pakiramdam na after mawala si Mama Bob noong 2020, ang daming nangyari sa buhay ko to the point na gusto ko ng ihinto ang trabaho ko sa showbiz dahil nag-iba ang buhay ko noong nawala ang Mama,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Angeline ay mas lalo pa siyang na-excite magtrabaho. Para sa anak nila ng non-showbiz parter na si Nonrev Daquina.

Kasunod nito, nabanggit ng celebrity mom na isang buwan lang siya nagpahinga sa halip na three months pagkapanganak kay Baby Sylvio.

“Sa totoo lang, pinaalam ko sa doktor ko na magtrabaho after one month pa lang pero dapat three months. Pero dahil sa marami nang naipon na babayarin, one month pa lang kailangan ko na magtrabaho”

Isinilang noong Abril ni Angeline si Sylvio, na ipinangalan sa kaniyang yuma0ng adoptive mother na si Sylvia o mas kilala bilang “Mama Bob.”

Dennis Padilla, naluha sa video ng mga anak ni Ruffa Gutierrez habang nagpapaalam sa kanilang ama

Graduation photo ni Jason Abalos kinagigiliwan ngayon ng mga netizens sa social media