in

Isang guro sa Bulacan napagkamalang isa ding estudyante dahil sa kanyang itsura

Dahil sa kanyang baby face look, isang teacher sa Bulacan inakalang isa din sa mga estudyante.

Nakilala ang teacher na si Ian Francis Manga, kasalukyang nagtuturo sa Paaralan ng San Jose Del Monte Bulacan. Sa mga mag-aaral nito na nasa Kindergarten at Grade 2.

Ayon nga sa kanyang pahayag ng mainterview siya ng Stand for Truth sinabi niya na “Para po nila akong kuya, Kalaro Palagi”.

Madalas nga umano siyang mapagkamalan ng mga taong hindi nakakakilala sa kanya na siya ay isang estudyante lamang. At ang iba nga ay hindi inakala na siya ay isang guro dahil sa kanyang baby face look.

Sa kwento naman ni Ian, noong bata daw siya ay palagi daw siyang nagkakasakit. Kaya ito ang kanyang hinala kung bakit nagkaroon ng delay sa pagdevelop ng kanyang Physical na pangangatawan.

Ayon pa sa kanya ay noong nag-aaral daw siya nung highschool ay hindi niya naranasan ang pagbibinata na katulad ng kanyang mga naging kaklase.

Katulad na nga lamang ng pagkakaroon ng bigote, o buhok sa kili-kili. Alinman sa mga ito ay hindi niya umano naranasan.

Hindi naman siya nakaranas na magpakonsulta sa doktor dahil awa naman daw ng Diyos ay hindi siya naka-experience na kutyain dahil sa kanyang itsura.

“Hindi po ako na-bu¬lly kasi I was friendly. Pala-kaibigan po ako sa kaklase ko. Minsan nabu-bu¬lly rin mga hindi ko naman kakilala, kakantahan ka ng mga bulilit. Eh wag mong pansinin,” aniya.

Nang makapagtapos nga siya sa kolehiyo, ay agad umano siyang nag-eksam ng LET. At ng ito nga ay kanyang maipasa, ay agad siyang nag-apply na maging isang guro. Sa pampublikong paaralan, kung saan nga siya ngayon nagtuturo.

Neri Miranda may pasilip sa malapit ng magbukas na bagong restaurant nila ni Chito Miranda sa Tagaytay

Alexa Ilacad hinangaan dahil sa ibinahagi niyang mga larawan na resulta ng kanyang intense workout