in

Isang Ina na working student, bitbit ang dalawang anak sa klase, may Master’s degree na ngayon

Working student na, hands-on mom pa?

Parang imposible pero ginawa ‘yan ng isang ina. Kahit pa kinailangan niyang dalhin ang kanyang sanggol na anak sa gitna ng klase.

“Mommy Joyce” kung tawagin ng kaniyang mga kaklase, isang estudyanteng ina ang nagbahagi ng kaniyang kwento ng pagpupursigi ng pangarap. Sabay nitong ginampanan ang pagiging ina sa kaniyang dalawang anak pati na rin ang pagiging mag-aaral.

Isang istorya na nagbigay inspirasyon sa marami at nagsilbing patunay na hindi hadlang ang pagiging ina sa pagtupad ng iyong mga pangarap.

Sakay ng jeep, tricycle, UV, taxi o Grab, akyat baba sa overpass, dala dala ang malaking bag na may lamang diaper, tubig at snacks para sa mga anak, pati na rin ang mga mabibigat na libro at journals para sa pag aaral.
Yan ang sakripisyong kinakaharap ni Mommy Joyce para lang maipagpatuloy ang kaniyang pag aaral.

Dahil walang yaya at tulungan sila ng kanyang asawa na may day job, maraming beses na bitbit ni Joyce ang mga anak sa classroom para hindi maka-absent.

Ngayong taon ay nakamit na ni Joyce ang kanyang Master’s Degree. In Family Life and Child Development sa University of the Philippines. Kumuha rin siya ng ilan pang education units para mas mapalapit sa pangarap na mabuksan ang lumang eskuwelahan ng ina.

Mayroon pang tagpo kung saan pinakiusapan ni Mommy Joyce ang kaniyang brother-in-law na magpunta sa eskwela. Para kargahin ang kaniyang 7-buwang gulang na sanggol dahil kailangan nitong mag-report sa klase

Gayunpaman, tuloy sa pagtupad ng pangarap si Mommy Joyce. At patuloy na naniniwalang napakahaba at masukal man ang paglalakbay, sa huli ay sulit naman ang maaasam na tagumpay.

DJ Chacha suga’tan, naak’sidente habang nagbibisikleta sa Bocaue, Bulacan

Melai Cantiveros may napaka-sweet na birthday message para sa asawang si Jason Francisco