in

JaDine fans heartbreak: Nadine Lustre, spotted na ka-holding hands ang rumored French boyfriend

JaDine is finally over? Nadine Lustre, spotted na kasama at ka holding hands ang kanyang rumored French boyfriend.

Muling nasaktan ang mga fans ni Nadine Lustre at James Reid nang kumalat sa social media ang mga larawan ng aktres kasama ang nauugnay sa kanyang non showbiz guy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Nag umpisa ang haka-haka na boyfriend umano ng aktres ang French guy na si  Christophe Bariou matapos mahalata ng mga avid JaDine supporters na masyadong malapit ang dalawa sa isa’t-isa.

Una silang nakitang magkasama sa beach vacation nila kasama pa ang ibang mga kaibigan. Ayon sa mga mausisang fans, lagi daw magkasama o magkatabi ang dalawa sa mga pictures.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Pero hindi nawalan ng pag-asa ang mga tagasuporta ng former couple na baka sakaling magkaka balikan pa ang kanilang mga idolo. Nito lamang taon, magkasama si James at Nadine na nag trekking kasama ang kanilang mga kaibigan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Subalit, pighati muli sa fans ng dalawa ang mga larawan na kumalat sa social media noong October 8.


Nakita kasi si Nadine na ka holding hands si Christophe palabas sa isang mall. May ilang fans din ang nakapagpa picture sa dalawa.


Nag trending muli ang dalawa pero sa puntong ito, malungkot at “heartbroken” daw ang kanilang fans.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 小宮希美 🤍 (@nadine)

Sa ngayon, tikom pa ang aktres tungkol sa estado ng kanyang lovelife.

Magkasintahang Ion Perez at Vice Ganda nasa Los Angeles na para idaos ang concert ng Unkabogable Star

Ogie Diaz may pahayag para kay Andrea Brillantes ukol sa pamimili nito ng kaibigan sa showbiz