in

James Reid may reaksyon sa viral video ng kanyang birthday celebration

Nagbigay na ng reaksyon si James Reid sa ngayon ay trending na video niya na naganap sa kanyang birthday celebration.

Kagabi nga ay nagulantang ang publiko sa naturang video ng aktor. Kung saan makikita na may kakaibang sweetness sila ng lalaking kanyang katabi sa nasabing pagdiriwang.

Sa naturang video ay tila nagsasalita si James at pinapasalamatan ang lahat ng nakadalo sa nasabing pagdiriwang.

Naghihiyawan ang kanyang mga kaibigan, at matapos ang kanyang speech. Bigla na lamang niyang nilapitan at hinalikan ang katabi niyang lalaki.

At doon nga mas lalong lumakas ang tilian ng kanilang mga kaibigan. Na parang may something ang dalawa kaya kinilig sila sa gesture na iyon ng gwapong aktor.

Agad namang nabigyan ng maIisya ang naturang video, at agad ding nakwestyon ang gender identity ng aktor.

Kapansin pansin daw kasi na tila iba ang ugnayan ni James sa hunk na katabi. At nakadagdag pa sa haka-haka ng ilan ang hiyawan ng kanilang circle of friends.

Haka haka pa ng ilan ay tila rumored boyfriend daw ng aktor ang lalaking kanyang hinalikan.

Samantala, sa isang TikTok video na may caption na “James Rumored BF” ay nagbigay naman ng reaksyon ang aktor ukol dito.

Simpleng “Is True?” lang ang kanyang komento sa ngayon ay burado ng video. Palaisipan naman sa mga netizens kung anong ibig sabihin ng komentong iyon ni James.

Pinatotohanan niya nga kaya na boyfriend niya ang lalaking hinalikan sa video sa kanyang “Is True?” comment?

Gayunpaman, ayon sa kanyang mga avid supporters ang lalaking kasama ni James ay kinilalang si James Thomas. At business partner daw ito ng aktor sa mga bars na kanyang negosyo.

Matapos ang eleksyon, Pokwang sinisingil na ang mga BBM supporters na may utang sa kanya

Management ni Andrea Brillantes naglabas na ng statement para dipensahan ang aktres sa mga fake tweets