in

Janella Salvador aminadong mas naging close sa inang si Jenine Desiderio mula ng siya ay magka-anak

Mula nang magbuntis at magkaroon ng anak ay mas napalapit umano kay Janella Salvador ang inang si Jenine Desiderio.

Hindi naman kaila sa publiko na madalas hindi magkasundo noon sina Janella at inang si Jenine.

Dahil anila, maraming bagay ang tutol sila para sa isa’t-isa.

Ngunit nang magbuntis at manganak si Janella ay ito ang naging daan upang magkalapit muli silang mag-ina.

Ito ang ibinahagi ni Janella ng siya ay mag-guest sa vlog ng celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo.

“It’s more of a rocky relationship. ‘Di na kami magkasundo with many things. But ever since I became a mom now, actually I have appreciated her more. And even if minsan ‘di pa rin kami magkasundo. It’s more stable now, our relationship,” pagtatapat ni Janella.

Nagsimula umano ang hindi pagkakaintindihan ng mag-ina noong sumabak na si Janella sa pag-aartista siyam na taon na ang nakalilipas.

“I guess it started not being stable when I was a teenager and I wanted to, you know, explore, have fun. And she was scared of letting go. I’m her only girl, so she was having a hard time accepting that,” saad ng aktres.

Aniya, labing apat na taon siya noong pumasok siya ng showbiz, at doon niya napagtanto na kakaiba pala siya sa ibang mga kaedad niya.

“I entered showbiz when I was 14, so when I started meeting different people, parang, ‘Oh, some people do this pala. They have different lives pala. They party, ganyan ganyan.’ I never went through a party phase, just to be clear. I just wanted to hang out with friends and have fun, and medyo naging strict ‘yung mom ko dati. It would reach a point na tatakas ako so she got mad,” paglalahad pa ni Janella.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jenine Desiderio (@j9desire)

Narito ang kabuuan ng intervew:

Mga dating Kapamilya artist na sina Xian Lim at Jessy Mendiola napanood na din sa Kapuso Network

Pokwang nais kasuhan ang nagpapakalat ng fake news na hiwalay na diumano sila ni Lee O’Brien