in

Janella Salvador, may banta sa mga bumabatikos sa anak nila ni Markus Paterson na si Baby Jude

Janella Salvador, desidido sa pagsasampa ng kaso laban sa mga bumabatikos sa kanyang anak.

Bilang isang ina, lahat ay gagawin para sa ikabubuti ng anak. Ipaglalaban ito sa kahit sinumang may balak na manakit sa kani-kanilang mga anak.

At ‘yan ang pinatunayan ng Kapamilya actress na si Janella Salvador.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janella Salvador (@superjanella)

Sa kanyang panayam noong July 2, 2021 sa Magandang Buhay, inalala ni Janella ang galit na kanyang naramdaman.

Ito ay noong mabsa niya ang mga batikos ng ilang netizens laban sa anak nila ni Markus Paterson na si Baby Jude.

Aniya, “Actually, at first, yung reaction ko when I saw it was… Hindi ko alam yung mafi-feel ko, kasi parang, ‘Ano ba ito? Joke ba ito?’

“Why would you joke about it? Yun yung una kong naging reaction. And then, eventually, parang na-realize ko, it’s not right. Hindi tama.”

Handa umano si Janella na sampahan ng kaso ang mga taong patuloy na nilalait at binabatikos ang kanyang unico hijo.

“Kailangan, kung sino man ‘to, matutunan niya yung lesson niya kasi ako naman, sanay na ako sa pambabash.

“Lahat naman tayo in the industry pero… if it’s directed at me, sige, okay lang, dededmahin ko. Pero huwag naman sa anak ko na walang kamalay-malay.

“Kasi if he can’t fight for himself, I’m gonna fight for him,” saad ng aktres.

Naniniwala ang celebrity mom na kailangang turuan ng leksyon ang mga taong patuloy na nambabastos at nanglalait sa kanilang kapwa, lalo na sa mga batang walang kamuwang-muwang.

Aniya, may karapatan ang lahat na sabihin ang kanilang saloobin pero may hangganan at limitasyon ang lahat at naniniwala siya na walang taong dapat maging biktima ng buIIying.

Pokwang nais kasuhan ang nagpapakalat ng fake news na hiwalay na diumano sila ni Lee O’Brien

Gerald Anderson ipinasilip ang weekend getaways niya kasama ang buong pamilya ni Julia Barretto