in

Kilalanin ang bunsong anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice Bektas na pinag-uusapan ngayon ang kagandahan

Gandang lahi kung ituring ang pamilyang Gutierrez, isang patunay dito ang bunsong anak ni Ruffa Gutierrez na si Venice Bektas.

Agaw atensyon nga ngayon sa social media si Venice dahil sa angkin niyang kagandahan. Si Venice ang bunsong anak ni Ruffa sa dati nitong asawa na si Yilmaz Bektas.

Marami nga ang nagsasabi na pwedeng pwedeng sumunod sa yapak ng kanyang ina bilang isang beauty queen si Venice.

Malaking bulas kasi ang dalaga sa edad nitong 17, hindi aakalain na siya pala ang bunso dahil mas matangkad siya sa kanyang ate Lorin.

Ang tunay na pangalan ni Venice ay Venezia Loran Bektas. Ipinanganak siya noong September 11, 2004, sa Cedar Sinai Medical Center sa Los Angeles, California.

Itinuturing ni Venice na bestfriend niya ang kanyang ate Lorin. “We always side with each other and defend each other,” saad ng dalaga sa isang panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @venicebektas

Kung ikukumpara kay Lorin ay mas prangka si Venice na mukhang namana niya sa kanyang lola na si Anabelle Rama.

13-years old pa lamang ay pinayagan na ni Ruffa si Venice na magkaroon ng sarili nitong Instagram account.

Sa Instagram post ni Ruffa nong 2017 ay nagbahagi siya ng larawan ng anak at sinabi nito na magiging teenager na nga ito.

Sa apat na taon na gumagamit ng social media ay natutunan na umano ni Venice na -ihandle ang mga b4shers.

Minsan daw ay naapektuhan siya sa mga negative comments pero laging pinapaalala ng kanyang ina na balewalain at dedmahin na lamang ang mga ito.

Kylie Padilla diniin na hindi naging biased sa pagboto nito sa ama niyang si Robin Padilla.

Chad Kinis gigil kay Skusta Clee, ipinalala sa netizens ang ginawa nito kay Zeinab Harake