in

Kitty Duterte balak umanong ipalit kay Andrea Brillantes ng isang CEO ng beauty product

Kitty Duterte in, Andrea Brillantes out?

Ito ang mainit na usapin ngayon sa social media, nagbabadya umano ang isang CEO ng beauty products. Na palitan ni Kitty si Andrea bilang endorser ng kanilang produkto.

Mainit kasi na usapin ngayon online ang parody ng pagsasagutan nina Andrea at Kitty sa Twitter. Base sa kumakalat na screenshot sa social media ay nagtalo ang dalawa dahil marami sa mga netizens ang tila ipinagkukumpara sila.

Marami sa mga netizens ang nag-share ng naturang screenshots sa kanilang social media accounts na tila naaaliw sa sagutan ng dalawa.

Ngunit kung susuriing mabuti ay hindi ito totoo. Dahil hindi naman verified ang Twitter account ng Kapamilya star na si Andrea.

Bukod rito, wala rin namang official Twitter account ang anak ng kasalukuyang presidente.

At dahil na din dito ay nais ipa-cancel ng marami ang pagiging endorser ni Andrea ng isang beauty products. Hinaing pa nga ng iba na dapat daw ay ipalit na nga sa batang aktres ay si Kitty.

Kaya naman sa kanyang social media post ay mukhang pinag-iisipan na ng nasabing CEO ang panawagan ng maraming netizens.

Aniya, “Sige, kung makukuha natin si Veronica Duterte, why not?”

Gayunpaman, wala namang pahayag ang CEO kung papalitan na ba si Andrea o idadagdag lang si Kitty sa listahan ng mga endorsers ng naturang produkto.

Kapamilya star Chie Filomeno, matapang na umalma sa mga netizens nang ungkatin ang umano parking lot issue nila ni Zeus Collins

Lutang moments ni Joshua Garcia sa pagiging hurado sa It’s Showtime viral ngayon online!