in

Kris Aquino inihabilin na umano sa mga kapatid ang dalawang anak ayon kay Cristy Fermin

Naihabilin na diumano ni Kris Aquino sa kanyang mga kapatid ang dalawa niyang anak na sina Josh at Bimby.

Sa latest episode ng online talk show ni Cristy Fermin “Showbiz Now Na!” ang health condition ni Kris ang isa sa kanilang naging topic.

Ayon sa beteranang showbiz columnist, ipinagkatiwal na umano ni Kris ang kanyang mga anak sa kanyang mga kapatid. Kung saka-sakali daw na hindi maging sucessful ang mga treatment na gagawin sa kanya.

“Ito po ‘yung nakakalungkot. Kwento rin po naman ito mula din sa kanilang pamilya, na si Kris daw, ipinagbibilin na si Josh at saka si Bimby sa kanyang mga kapatid,” saad ni Cristy.

Dagdag pa nito, “Kung ano man ang mangyari sa kanya, alam ng kanyang mga kapatid kung ano ang gagawin.”

Ibinahagi din ni Cristy ang awang nadarama para sa mga anak ng Queen of All Media. Lalong lalo na kay Josh na may special needs.

Aniya, “Ako’y naaawa kay Josh at kay Bimby kasi napakabata pa nila para mawalan ng ina kung talagang ito ay wala nang kalunasan. Lalo na si Josh, may mga special needs po si Josh.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanyang pahayag:

Pops Fernandez nanawagan na igalang ang naging resulta ng katatapos lang na halalan sa bansa

Vice Ganda, namigay ng 750k sa mga staff ng It’s Showtime