in

Kylie Verzosa naimbyerna! Iniwasan ang mga tanong ng reporters tungkol sa kanila ni Jake Cuenca

Halatang naimbyerna ang beauty queen turned actress na si Kylie Verzosa. Sa tanong ng mga reporters tungkol sa kanila ng dating nobyong si Jake Cuenca.

Kahit nakiusap na si Kylie sa umattend na press sa simula pa lang ng presscon. Ng pelikulang Ikaw Lang Ang Mahal na huwag nang ungkatin ang tungkol sa balitang hiwalayan nila ni Jake.

Gumawa pa rin ng paraan ang ilang showbiz press para usisain kung ano ba talaga ang pinagdadaanan ng dalaga.

Naganap ang nasabing press con isang araw bago isapubliko ni Jake ang balita tungkol sa kanilang napagpasyahan na maghiwalay na.

Naitanong kay Kylie kung kanino niya unang sinabi ang Ikaw Lang Ang Mahal. “Una kong sinabihan romantically, siguro nung ako, mga padulo na ng college ko, yung una ko pong boyfriend. Siya yung sinabihan ko ng ikaw lang yung mahal ko,” aniya.

Nang tanungin naman kung kanino niya ito sinasabi sa kasalukuyan sinabi niyang sa sarili niya ito sinasabi.

“Ang sarili ko—siguro ikaw lang ang mahal ko! Kailangan mo kasi… Oo, sinabihan ko ang sarili ko na ikaw lang ang mahal ko…”

May nagsabi na ba sa kanya ng “ikaw lang ang mahal” pagkatapos ng kanyang “failed relationship” with his former Los Bastardos co-actor?

“Hindi ko po naintindihan yung tanong,” paiwas niyang sagot na sinundan din naman niya kaagad ng, “Hindi ko po talaga siya matatawag na failed relationship.”

Hirit pang tanong ng press kay Kylie. Eh di ba nag-break na kayo? Kayo pa rin?

Saglit na natigilan si Kylie at hindi na niya sinagot ang tanong. Segue na tanong ng reporter: Naniniwala ka bang mahal ang magmahal?

“Importante po ang magmahal. Hindi ko siya kinokonsider na gastos kasi mahal ko yung tao,” tugon ni Kylie dito.

Angeline Quinto binahagi ang ‘A day in a life.’ nito bilang isang ganap na mommy.

Dahil sa kanyang political views, Janno Gibbs nawalan umano ng mahigit 4K followers sa IG