in

Lutang moments ni Joshua Garcia sa pagiging hurado sa It’s Showtime viral ngayon online!

Usap-usapan ngayon sa social media ang tila wala sa sariling komento ni Joshua Garcia sa segment ng It’s Showtime.

Isa si Joshua sa mga nakasama ni Ruffa Gutierrez bilang Authori-Team. Sa S3xy Babe segment ng noontime show ng Kapamilya Network.

Pagiging hurado ang ganap ni Joshua sa naturang show, at bilang hurado ay kailangan niyang magbigay ng kanyang opinyon o komento sa bawat kandidata ng segment.

At sa episode noong May 10, ay talagang pinag-usapan ang aktor sa kanyang tila lutang moments. Sa nasabing episode, tinanong si Joshua kung ano nga ba ang opinyon niya sa number 1 candidate.

Bago sumagot ay patawa tawa lamang ang napakagwapong aktor at mukhang hindi alam ang kanyang sasabihin.

Kaya naman sinalo siya ni Ruffa at sinabing kanina pa umano nag-eenjoy si Joshua sa mga host. Na sina Vice Ganda, Ogie Alcasid at Vhong Navarro.

Matapos naman nito, ang tangi lang nasabi ni Joshua ay napaka-ganda daw ng candidate number 1. Nang itutok naman kay Vice ang camera tila naguguluhan ito sa comment ni Joshua.

Kaya after ng comment ni Joshua ani Vice, “Ano nangyari sayo Joshua?”

Inamin naman ng aktor na hindi niya alam na tatanungin pala siya kaya hindi siya prepared sa kanyang sasabihin.

Kaya naman biro ni Vice kailangan daw yugyugin ni Joshua para magising dahil tila nasa lutang moments pa ang aktor.

Kitty Duterte balak umanong ipalit kay Andrea Brillantes ng isang CEO ng beauty product

Aljur Abrenica dinepensahan si Robin Padilla, sinabing naniniwala siya sa kakayahan nito