in

Madam Inutz ipinagtanggol ang bagong bf, sinabing proud siya sa trabaho nito bilang macho dancer

Proud na proud si Madam Inutz sa bago niyang nobyo na isang macho dancer.

Sa kanyang pinakabagong vlog, kasama ni Madam Inutz ang nobyo niyang si Tantan. At dito ay kinumpirma na nila ang kanilang relasyon.

Kamakailan nga lamang nang ipakita ni Madam Inutz sa kanyang social media accounts ang nobyo. At aniya ay marami agad ang nang-b4sh dito.

Ilan sa mga naibabatong komento dito ay ang tungkol sa kasarian nito at ang totoong motibo nito kay Madam Inutz.

May ilan kasing nagsabi na gagamitin at peperahan lang ang online seller turned celebrity ng kanyang bagong nobyo.

Ayon pa kay Madam Inutz, bukod sa madaming humuhusga, hindi na daw makatao ang mga paratang na ibinabato sa kanyang boyfriend.

Unang nilinaw ni Madam Inutz na sa kanyang video na straight na lalake ang nobyo at walang katotohanan na ginagamit lang siya nito para sumikat.

Inamin ni Madam Inutz na macho dancer ang kanyang boyfriend na si Tantan. “Mas mapera pa siya sa’kin… Mas malakas pang kumita sa’kin ‘to mga inutil,” aniya.

“Hindi lahat ng nagtatrabaho sa club is ganun karumi, is ganun klase ng trabaho, kumbaga , peperahan ka na,” dagdag pa nito.

Aniya, isa ito sa mga parehong bagay tungkol sa kanila dahilan para sila ay magkasundo. Gayunpaman, aminado rin si Madam na kinikilala pa rin nila talaga ang isa’t isa. Lalo na at bago pa lamang ang kanilang relasyon.

Dimples Romana masayang ibinahagi na isa siya sa napiling juror para sa International Emmy Awards Competition

Whamos Cruz aminadong ayaw nitong maging kamuka ang anak niya!