in

Magkasintahang Ion Perez at Vice Ganda nasa Los Angeles na para idaos ang concert ng Unkabogable Star

Dumating sa sa Los Angeles California sina Vice Ganda at Ion Perez para sa kanilang concert.

Sa October 11 pa dapat aalis ng bansa si Vice pa-Los Angeles, California kasama ang boyfriend na si Ion Perez, ang kanyang nanay na si Mommy Rose, kapatid na sina Doc Tina at Babot, Angeline Quinto (na special guest), Lassy Marquez at MC Muah Calaquian at ilang mga miyembro ng Team Vice.

Pero napa-aga ito dahil excited na din sina Vice. Dahil halos dalawang taon na silang hindi nakakalabas ng bansa dahil sa pandemya.

Magsasagawa si Vice ng 2-night show na pinamagatang “Vax Ganda: A Dose of Laughter” sa Pechanga Resort Casino sa California sa October 15-16.

Dumating si Vice, kasama ang partner niya na si Ion Perez na magiging guest performer niya sa konsyierto, sa Los Angeles noong Huwebes.

Ibinahagi naman ng concert producer na si Anna Puno ang mga litrato ng kanilang pagdating doon.

Ang Starmedia Entertainment ni Ana Puno ang producer ng Vax Ganda at ng mga susunod na concert ni Vice sa 2022.

Matagal pang mapapanood si Vice sa It’s Showtime dahil sa kanyang U.S. show at sa mandatory hotel quarantine na kanilang gagawin sa pagbabalik nila sa Pilipinas ng mga kasama niya.

Viral online seller turned vlogger na si Madam Inutz pasok sa PBB Celebrity edition

JaDine fans heartbreak: Nadine Lustre, spotted na ka-holding hands ang rumored French boyfriend