in

Maja Salvador at Anne Curtis nagbigay ng kanilang suporta sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7

 

 

Maja Salvador at Anne Curtis todo suporta kay Bea Alonzo.

Hindi alintana ng mga kaibigan ni Bea Alonzo ang biglaang paglipat niya sa Kapuso Network kamakailan.

 

 

Anila, ang tunay na magkakaibigan ay walang iwanan, saan istasyon man sila mapunta.

 

 

Hindi hadlang ang pagkakaiba nila ng mga networks upang ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan at magandang samahan.

 

 

Kung may ilang Kapamilya ang nagpahayag ng pagkadismaya sa paglipat ni Bea sa GMA-7,may ilan din nagbigay ng suporta.

 

 

Tulad na lamang nila Maja Salvador at Anne Curtis.

 

 

Noong ipahayag ni Bea na siya na ay isang official Kapuso artist ay agad nagpahayag ng suporta ang dalawa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

Saad ni Maja,  “We love you Movie Queen!” 

 

 

 

Tinawag naman “My Jackie” ni Anne si Bea at sinabing mami-miss niya ito, “Going to miss you my Jackie!!! [crying emoji] Till the next time we work again!! But on another note, I hope to see you soon! Love you!!” 

 

 

 

Sapat na diumano ang mga sweet messages nila Anne at Maja upang mapanatag si Bea.

Nakaramdam na umano ng kaginhawaan si Bea dahil ang mga kaibigan niya sa Kapamilya ay hindi siya iiwan saan man siya magpunta.

 

 

Sa dalawang dekada ni Bea bilang Kapamilya ay doon na din niya nakilala ang mga naging kaibigan niya sa industriya.

At ilan nga dito ang sinabihan niya o pinaalam niya ang balak niyang paglipat ng istasyon.

 

 

Sa press conference during her contract signing, ibinahagi ni Bea na hindi niya napigilang maging emosyonal.

Ito ay nang magpaalam siya kina Anne Curtis, Angel Locsin, Angelica Panganiban, at iba pang close friends niya sa Kapamilya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Ara Mina nakatanggap ng sweet message mula sa kanyang bestfriend na si Sunshine Cruz

Matapos ang retirement sa beauty pageants, Vickie Rushton inaya ng bumuo ng pamilya ni Jason Abalos