in

Malawak na Farm ni Vilma Santos sa Batangas, Ipinasilip ng daughter-in-law na si Jessy Mendiola!

Masisilip na natin ang napakalawak na farm na pagmamay-ari ng isang batikang aktress. Dahil kay Jessy Mendiola, masisilip natin ang isa sa mga ari-arian ni Vilma Santos. Ang kaniyang malaking farm sa Lipa Batangas.

Kung ating matatandaan, si Jessy Mendiola at ang anak ni Vilma Santos na si Luis Manzano. Naganap ito noong February 21, 2021 sa mismong Farm sa San Benito, Lipa Batangas.

Malinis, payapa at maaliwalas ang naging kasal nila. Marami ang humanga sa pagkasimple nito ngunit ramdam mo ang kagandahan ng kapaligiran.

Kaya naman sa kaniyang latest vlog, inilibot niya tayo sa farm. Malawak at malaki ito, maaliwalas ang paligid at masagana sa mga natural na tanawin.

Marami rin silang alagang hayop sa paligid na nagdadala ng natural na ambience.

Hindi rin mawawala ang mga pananim na gulay katulad ng okra, talong, kalabasa at iba pa.

Nagbiro rin si Vilma sa anak, inihalintulad ang hugis ng mukha ni Luis sa bunga ng mangga.

Hindi naman magpapatalo ang anak, ani pa niya ay magpapahinga raw muna ang ina sa politika. Babalik raw ito sa showbiz at sa “Goin’ Bulilit” natin ito mapapanood.

Marami naman ang humanga sa samahan nina Vilma at Jessy. Hawak kamay pa ang dalawa at makikitang close ang mga ito.

Sa kabuuan, maganda ang farm ni Vilma. Ani pa nga ni Luis, gusto niya raw magkaroon ng sariling farm sa batangas dahil sa klima at uri ng kapaligiran.

Kris Bernal hindi napigilang maluha, habang kinukwento ang hindi pag renew ng GMA sa kontrata niya.

Ellen Adarna, pinatulan ang netizen, ng sabihan itong pagsasawaan lang siya ni Derek Ramsay.