in

Management ni Andrea Brillantes naglabas na ng statement para dipensahan ang aktres sa mga fake tweets

Dinepensahan ng kanyang management si Andrea Brillantes ukol sa mga nagpapakalat ng tweets gamit ang kanyang pangalan.

Naglabas na nga ng official statement ang Aguila Artist Management nitong May 13, 2022. Kalakip ng kanilang pahayag ay ang mga fake tweets.

Itinanggi ng management na tweet ng young star ang nagkalat tulad na lamang ng,  “stress nanaman sila saken palibhasa mga inggit at hindi biniyayaan ni lord ng magandang mukha HAHAHA.”

“Shout out sa mahilig magkalat ng fake news! First of all wala akong p0rn, second hindi mantika yung hinigop ko, katas ng Hotdog yon, mga B0B0!!”

“Puro kayo ML kaya mga kabataan ngayon mga mang mang! boboto nalang yung Magn4n4kaw pa!”

“Okay lang may b0ld, atleast di palamunin sa bahay”

“Wag nyo kami i-compare ni Kitty, marami kaming differences”

Saad naman sa nasabing statement,  “May mga kumakalat na malisyosong tweets diumano mula sa aming artista na si Andrea Brillantes ngayon sa social media.

“Vinerify ito ng aming management at nakumpirma namin na ang mga ito ay peke o edited.

“Nananawagan kami sa publiko na ma­ging mas mapanuri lalo na sa pag-share nito sa kani-kanilang accounts.

“Pinaalalahanan din ang lahat na ang pagpapakalat ng maling impormasyon tulad nito ay saklaw ng kasong cyber libel at may karampatang parusa. Mabusisi itong minomonitor ngayon ng aming legal team para sa kinauukulang aksyon,” ang buong statement ng manager ni Andrea.

Nais din nila na sana ay matigil na ang paninira sa kanilang alaga.

James Reid may reaksyon sa viral video ng kanyang birthday celebration

Robin Padilla naniniwalang ang plataporma niya at hindi ang kanyang kasikatan ang nagluklok sa kanya sa senado