in

Kisses Delavin nakatanggap ng suporta mula kay Marian Rivera sa pagsali nito sa Miss U Philippines 2021

Nagpakita ng kanyang suporta ang Kapuso actress na si Marian Rivera para kay Kisses Delavin.

Ito ay sa pagsali ng dalaga sa Miss Universe Philippines 2021.

Sa kanyang latest Instagram post ay nanawagan si Kisses na iboto siya sa pamamagitan ng Miss U app.

Saad nito sa kanyang caption, “Hello Universe! Vote for me, your Miss Universe Philippines delegate #66 Kirsten Danielle Delavin from Masbate in the @themissuniverseph app! #Kisses4Universe #MissUniversePhilippines2021.”

Kalakip nito ay ang kanyang litrato bilang official delegate for Miss U PH 2021.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin)

Marami naman ang agad nagpakita ng suporta nila para kay Kisses at isa na nga dito ay si Marian Rivera.

Sa kanyang IG Story ay ni-repost ni Marian ang post ni Kisses at nilagyan ito ng aktres ng three heart emojis.

Matatandaan na ibinahagi noon ni Kisses na talagang fan siya ni Marian noon pa man na wala pa siya sa industriya ng showbiz.

May isang video pa nga noon sa Twitter na makikitang lumabas ang pagka-fan girl ng young actress.

Ito ay nang muli niyang makita si Marian sa 50th Box Office Awards Awards night noong March 2019.

Ng gabing iyon ay nanalo din si Kisses bilang Most Promising Female Star for Movies.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by K I S S E S (@kissesdelavin)

Nang lumipat naman sa Kapuso network si Kisses ay pumirma siya sa Triple A management na siyang nagha-handle din ng career ni Marian.

Bea Alonzo tinawag ng ‘Hon’ si Dominic Roque na kinakiligan ng kanilang mga taga-hanga

“Trust the process” Yassi Pressman proud na ibinahagi na malapit na matapos ang pinapagawa niyang bahay