in ,

Mariel at Robin, nanatiling malapit kay Kris Aquino, kahit simula pa noong nagkasakit ito

Magkaiba man ng mga paniniwala at sinuportahang kandidato, nanatiling malapit sa isa’t isa ang magkaibigang Robin Padilla at Kris Aquino.

Hindi nawala ang malasakit ni Robin at nang asawa nitong si Mariel kay Kris. Lalo na nung magkasakit ito.

Ang actor turned senator mismo ang naghayag ng kanyang pasasalamat kay Kris sa tulong nito sa kanya nung eleksiyon.

Ayon sa kanya, hindi umano sila bumitiw kay Kris simula nang malaman nilang mag-asawa ang tungkol sa pagbagsak ng katawan nito.

Personal pa raw na pinagluluto ni Mariel si Kris, kahit hindi ito masyadong nakakakain ng solid foods. Pinaramdam umano ni Kris at ng pamilya niya ang kanilang appreciation kay Mariel.

 

Dahil dito, naging mas malapit pa sila sa isa’t isa at maging bukas sa totoong realidad ng pulitika at buhay.

Samantala, malaki rin ang pasasalamat ni Robin kay Kris dahil sa malaking naitulong nito sa kanyang pagkakapanalo bilang senador.

Kinausap niya ako kung Ano ang campaign strategy ko, sabi ko conventional Lang ako dahil wala naman ako pera. Ang alas ko Lang talaga ay si PRRD, SBG at si Inday Sara Duterte, endorsement Lang ng tatlong ito umiikot ang aking pag asa na Manalo at siempre ang tulong ng taongbayan.

Lumalabas na tinulungan siya ni Kris na ikampanya at iendorso sa ilang malalaking pulitiko na malapit sa kanilang angkan.

Sabi ni Kris tutulungan niya ko at ginawa niya kahit sinabi ko na baka makadagdag ng stress niya.

Tinawagan niya mga matitinding Governor, LGU officials at mga matataas na Tao na may paggalang at Malalim na sa pasasalamat sa mga Aquino.

Sa huli, nagpasalamat din si Robin kay Kris na hindi naapektuhan ng pulitika ang kanilang pagkakaibigan.

AJ Raval agaw attension online ng maging muse ng Brgy. Ginebra sa pagbubukas ng PBA season 47!

Brenda Mage may diretsahang sagot sa mga nagsabing pineperahan lang siya ng bago niyang boyfriend