in

Mariel Padilla masayang binahagi online na makakapag susuot na siyang muli ng pink na damit!

Nito nga lamang sa pinaka bagong post ng aktres na si Mariel Padilla nagbahagi ito ng isang litrato.

Kung saan makikita ito na nakasuot na ng kulay pink na coat at bag. Saad naman ng aktres masaya ito ngayon dahil makakapagsuot na itong muli ng ganitong kulay. Aniya pa pink lover daw kasi siya talaga.

Maalala kasi na nito ngang nagdaang mga buwan bilang pagsasaad nito ng pagsuporta sa kandidato na kinikilingan niya.

Ay dinadaan nito ito sa pagsusuot ng damit na kulay ng partidong sinusuportahan nito sa eleksyon 2022.

At dahil nga pink ang kulay ni Vice President Leni Robredo na katungali ng partido ng asawa nitong si Robin Padilla sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Ay iniiwasan ni Mariel nitong mga nagdaang buwan ang magsuot ng aniya paborito nitong kulay na pink.

Dahil nga dito madalas na makikita ang aktres na nakasuot lamang ng green na kulay ng partido na sinusuportahan nito.

Maalala naman na labis ang naging pagsuporta nito sa asawa niyang si Robin. Nary’an at magbenta pa ito ng mga prelove item niya. Gaya ng bags at sapatos para tulungan ang mister niya sa pangkampanya sa pagka-senador.

 Hindi naman nasayang ang ginawa nitong effort, dahil sa ngayon ay nagunguna pa din ang asawa nito sa pagka-senador ngayong eleksyon 2022.

 

 

Andrea Brillantes in-off ang comment section nito matapos batikusin at i-boycott dahil sa isa nitong post online.

Kapamilya star Chie Filomeno, matapang na umalma sa mga netizens nang ungkatin ang umano parking lot issue nila ni Zeus Collins