in

Maris Racal mas naging open na in public tungkol sa relasyon nila ni Rico Blanco

Palagay na ang loob ng Kapamilya actress na si Maris Racal na pag-usapan ang relasyon nila ni Rico Blanco.

Ngayon na hindi na kaila sa publiko ang relasyon nila, malaya nang nagkukuwento si Maristungkol sa nobyo niyang si Rico.

Sa “Magandang Buhay” nitong Huwebes, naging bukas si Maris na pag-usapan ang relasyon nila ng dating miyembro ng bandang Rivermaya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Tinanong si Maris ng isa sa mga host ng “Magandang Buhay” na si Jolina Madangal, kung napaghandaan ba nila ni Rico kung paano haharapin ang sitwasyon sakaling lumabas na ang balita tungkol sa kanilang relasyon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

“Lagi po naming pinag-uusapan. Pero every time na ganoon ang topic natatakot ako, napi-pressure ako kasi natatakot ako sa kung ano ang iisipin ng mga tao. Kasi strange kasi ‘yung relationship namin because of the age gap. It’s like the big elephant in the room,” pagbabahagi ni Maris.

“Pero I’m really, really surprised sa reaction nila. Hindi ko in-expect na matutuwa pala sila,” dagdag pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Nang maitanong sa singer-actress kung paano sila nag-click ni Rico.

Lahad ni Maris, “I guess before, I would say music, kasi dun kami start nag-click talaga, nag-work together.

“But right now, siguro malaking percentage siguro yung pareho kaming values sa life, pareho kami na may malaking family and very close together.

“So, gets namin yung ano, yung paano mag-treat ng family. So, ‘yon yung pinakaimportante talaga sa amin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)

Panoorin dito ang kanyang panayam:

John Estrada nagsalita na! Kaibigan pa rin umano ang turing kay Derek Ramsay

So sweet! Zia Dantes may special song para sa birthday ng kanyang Mommy Marian