in

Matapos ang eleksyon, Pokwang sinisingil na ang mga BBM supporters na may utang sa kanya

Sinisingil na ni Pokwang ang mga kamag-anak at mga kaibigan niyang BBM supporters na may utang sa kanya.

Sa kanyang tweet kamakailan, tanggap na ni Pokwang na talo ang kandidatong kanyang inendorso.

Isa kasi si Pokwang na talaga namang ipinaglaban ng husto ang kanyang pinaniniwalaan. Keber kung sino pa ang kanyang makabangga.

Anyways, ani Pokwang sa kanyang tweet, “Ok tapos na eleksyon tanggap tanggap narin ganon talaga… pero sana yung mga bmm na kamag anak at friends na nangutang sakin bayad bayad narin ha ok?”

Ayon pa kay Pokwang ay huwag umanong magmalinis ang iba. Dahil pare-pareho din naman silang nagkabatuhan ng masasakit na salita.

“tapos na mga pinaglalaban natin pare parehong nagsalita ng di maganda sa mga kandidato natin kaya wag magmalinis ha”

Marami namang mga kapwa niya KakamPinks ang sumang-ayon sa pahayag ni Pokwang.

May mga nagsabi din na kahit sino pa ang sinuportahan ay dapat magbayad ng pagkakautang.

Sikat na beauty salon, balak nang alisin si Andrea Brillantes bilang celebrity client

James Reid may reaksyon sa viral video ng kanyang birthday celebration