in

Matapos ang retirement sa beauty pageants, Vickie Rushton inaya ng bumuo ng pamilya ni Jason Abalos

Gustung-gusto na ni Jason Abalos bumuo ng sariling pamilya kasama ang longtime girlfriend na si Vickie Rushton.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jason Abalos (@thejasonabalos)

Kamakailan ay nakapanayam si Jason ng  entertainment press sa virtual medicon para sa pelikulang “Silab

Dito ay natanong si Jason tungkol sa relasyon nila ni Vickie Rushton.

Ibinahagi ng aktor na para mapanatiling maganda, mainit at maayos ang relasyon nila ng girlfriend ay dapat lagi silang may komunikasyon.

Tanong pa kay Jason kung naging unfaithful ba siya sa kanyang karelasyon, since ang kuwento ng “Silab” ay tungkol sa pangagaliwa o infidelity.

“Habang tayo ay nagkakaedad, nagiging iba na ang pananaw sa buhay. So (ngayon), pinipilit po natin na huwag na tayong makasakit sa buhay,” pahayag ng aktor.

Samantala, natanong si Jason tungkol sa pahayag ng girlfriend niyang si Vickie.

Na graduate na siya sa pagsali-sali sa beauty contest at napangiti siya dahil ito naman talaga ang gusto ng aktor.

“Siguro nasa ano na kami ni Vickie eh, matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na ‘yon e. Sabi ko, ‘O tama na yan, hindi ka na pwede, tayo naman.’

“Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya, so ngayon siguro panahon na para bumuo ng pamilya,” pag-amin ng aktor.

Matatandaan, sa mga nakalipas na panayam kay Jason ay ibinahagi niya ang dahilan kung bakit hindi niya pa mapakasalan si Vickie.

Hindi pa raw nila magawang pag-usapan ang pagpapakasal dahil may mga pangarap pa ang nobya na gusto nitong matupad.

At ito nga ay ang maging isang beauty queen. At ngayong retired na si Vickie sa mga pageants ay tila ready na ang dalawa.

Na i-level up ang kanilang relasyon.

Maja Salvador at Anne Curtis nagbigay ng kanilang suporta sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7

Latest photo ni Liza Soberano usap-usapan ngayon sa social media dahil sa angkin niyang kasexyhan