in

Melai Cantiveros may napaka-sweet na birthday message para sa asawang si Jason Francisco

Isang appreciation post ang ibinahagi ni Melai Cantiveros bilang pagbati sa kaarawan ng kanyang asawang si Jason Francisco.

Sa kanyang Instagram post, isang sweet birthday message ang ibinahagi ni Melai. Para sa 34th birthday ni Jason.

Aniya,  “13 years of greeting you a happy b-day My Lab Ga is always a privilege for me simula nung pagkakilala natin sa ‘PBB’.  Happy, happy b-day Papang, my constant, confidant, and my best comforter. ‘Pag siya mag-comfort, talagang para kang baby. Ayiie ayiie ayiie pa-kumot ka na Ga. Hahahahahaha. Pray ko Papang mga best lahat sa ‘yo. Mahal na namin ng mga April girls mo, kahit rinding rindi ka minsan sa mga bunganga namin.”

Kalakip nito ay ang mga larawan na magkayap silang mag-asawa. At isang throwback picture nila noong PBB Days. Kung saan sila nagkakilala at nagsimulang magkapalagayan ng loob.

Hanggang sa noong December 9, 2013 ay ikinasal sila sa Holy Cross Parish sa General Santos City.

Nagkaroon man ng problema ang kanilang pagsasama sa mga nagdaang taon ay nagawa nilang ayusin ang mga gusot.

Sa ngayon ay happy family na sila kasama ang dalawa nilang anak na sina Mela at si Stela.

Isang Ina na working student, bitbit ang dalawang anak sa klase, may Master’s degree na ngayon

Nadine Lustre bumili ng mamahaling motor na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon