in

Mga dating Kapamilya artist na sina Xian Lim at Jessy Mendiola napanood na din sa Kapuso Network

Sa kauna-unahang pagkakataon, napanood na sa GMA Network ang mga dating Kapamilya stars na sina Xian Lim at Jessy Mendiola.

Natuwa ang mga tagahanga nina Xian Lim at Jessy Mendiola nang mapanood sila sa GMA Network

Bilang parte ng isang TV special ng isang e-commerce platform.

Naganap ito noong July 7, naging co-host sina Jessy at Xian ni Willie Revillame. Para sa Shopee 7.7 Mid-Year Sale TV Special.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wowowin (@wowowin_gma)

Hinarana ni Xian ang mga manonood nang kantahin niya ang ’90s hit song na “Pare Ko” ng Eraserheads.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

May nakahanda ng proyekto para kay Xian, napabalitang siya ang magiging leading man ni Jennilyn Mercado.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

Ito ay sa upcoming primetime series na may working title na Love. D1e. Repeat.

Samantala, pinainit naman ni Jessy ang dance floor sa kanyang production number.

Lingid sa kaalaman ng nakararami, napanood na si Jessy sa Kapuso network noong siya ay 13 taong gulang pa lamang sa Hanggang Kailan (2004).

Ilang Kapuso stars din ang nakisaya sa nasabing programa tulad ni Sofia Pablo, na nagpa-picture pa kina Xian at Jessy.

Samantala, gaya ni John Lloyd Cruz, hindi pa opisyal na ipinapakilala si Xian bilang bagong Kapuso.

Ito ay dahil hindi pa nag-uumpisa ang taping niya para sa kanyang unang proyekto sa GMA-7.

Nang matanong naman ni Jessy si Xian kung anong nararamdaman nito na nasa Kapuso stage na sila saad ng aktor, “GMA, maraming-maraming salamat. Wil, mula bata pa lang ako, e, tagahanga na ako.

“Sa lahat ng Kapuso na nanonood ngayon, maraming-maraming salamat!”

Anong masasabi mo rito?

Pump Attendant ng isang gasoline station nakapagtapos na ng kolehiyo ngayon!

Janella Salvador aminadong mas naging close sa inang si Jenine Desiderio mula ng siya ay magka-anak