in

Miles Ocampo at award-winning actor na si Elijah Canlas nagkakamabutihan na nga ba?

Nasa dating stage na nga ba sina Miles Ocampo at Elijah Canlas?

Ito ang tanong ngayon ng mga taga-hanga ng dalawang celebrities. Matapos nilang mapansin ang latest IG post ni Miles kung saan makikita kung paano niya ipinagdiwang ang kanyang 25th birthday.

Kalakip ng ilang larawan na ibinahagi ni Miles ay isang black-and-white photo na may kayakap na lalaki. Hindi man kita ang mukhang ng binata, sinabi ni Miles na ito ay si Elijah.

Si Elijah ay nakilala sa kanyang roles sa 2019 film na Kalel, 15 at sa 2020 online series na Gameboys.

Kapansin-pansin din na present si Elijah sa surprise birthday party para kay Miles mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan tulad ni Sharlene San Pedro.

At tila may sarili ding pa-surprise si Elijah para kay Miles na makikita din sa post. Ang larawan na nasa loob ng isang sinehan at naka-flas sa big screen ang mensaheng, “Happy birthday, my Camille”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miles Ocampo (@milesocampo)

Bali-balitang nagka-developan daw sina Miles at Elijah sa TV series na Paano ang Pangako na napanood sa TV5 noong nakaraang taon.

Nagkasama din sila sa music video ng Over October’s hit single na “Sandali Lang” na inilabas October last year.

Samantala, wala namang tutol sa relasyon ng dalawa dahil pareho silang single.

Ogie Diaz nakakwentuhan si Andrea Brillantes ukol sa pagdagsa ng b4shers ngayon ng aktres

Rob Moya, ikinuwento ang huling paghaharap nila ng ex na si Toni Fowler matapos maging opisyal ang relasyon nila ni Tito Vince