in

Miss Universe PH 2017 na si Rachel Peters nanganak na sa kanyang first baby

Isa nang ganap na mommy si Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx)

Masayang ibinahagi ng mag-asawang Rachel Peters at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte ang picture ng kanilang panganay na anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by migzvillafuerte (@migzvillafuerte)

Sa kanyang Instagram story, naibahagi ni Rachel na nakauwi na sila sa kanilang bahay. Para naman kay Governor Migz Villafuerte, ipinahayag niya kung gaano niya kamahal ang kanilang munting anghel.

“im so inlove with you To God be all the glory,” saad nito kalakip ang litrato ng kanilang baby girl.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by migzvillafuerte (@migzvillafuerte)

Bumuhos naman ang pagbati para sa mag-asawang kinasal nito lamang Hulyo ng kasalukuyang taon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx)

Ilan sa mga bumati sa mag asawa ay sina Dani Barretto, Nadine Samonte, Philmar Alipayo, Tim Yap, Phoemela Baranda, Rambo Nunez, Mark Escueta, at Bea Rose Santiago.

Unang ibinahagi ni Rachel ang kanyang pagbubuntis noong May ng kasalukuyang taon. Ng magpost siya ng kanyang larawan na kita ang kanyang baby bump.

Saad ng beauty queen sa kanyang caption noon, “18 weeks of growing and loving you. You’re a dream come true our little chickpea”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx)

Na-engaged naman sina Rachel at Migz noong 2019. Sa Indonesia sana sila magpapakasal ngunit naudlot ng dahil sa pandemya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rachel Peters (@rachelpetersx)

Nadine Lustre bumili ng mamahaling motor na nagkakahalaga ng halos kalahating milyon

Kapatid ni Andi Eigenmann na si Stevie naglabas ng patunay na nagsorry na ang kapatid kay Albie Casiño